Sunday Night I had to go to work -Yes I'm a workaholic. Fever, colds and cough wooahh :( BFF with meds and water.
Thanks to Ahnelyn BBM "Work hard. Play harder! :D Sige po, pag sinabi ng body na pagod na ko ayoko na, go home kn. U stay healthy and happy! :p "
8:30 Log in time. Hell headache and colds. Tissues and water container all over my station darn! this is not right. I'm wearing 2 jackets with a blanket over me even the AC is still not on. BRRRRR! At the same time i'm so disappointed - broken promise - good thing my lil sis made my baon for that night. And I got mcdo fries to ease this sadness. tsss! sorry doesn't make up things, you have to do something to make it up boy. So 2 hours passed and its my first break, got the chance to take a 15 mins power nap. When I woke up darn! Heavy head (@.@) i just whispered I wanna go home.
JR: TC wala pang bang TIME off?
TC: wala pang Email ang RPM(Canada).
JR: ahh ok po. pag meron gusto ko po mag half day.
TC: sige sabihan kita.
-1am Lunch Break -
JR: TC wala pa din ba.
TC: wala eh
after ilang secs may email na :)
TC: half day or dev?
JR: half day po, gusto ko na magpahinga.
TC: sige wait natin rep kung payag.
JR: kain lang po muna ako
after 10mins
TC: ok na JR.
JR: waahh talaga. uuwi na ako yehey!
While waiting for a cab. Same feeling, kinakabahan na naman ako sumakay mag isa ng taxi wooooh! sabi ko sa sarili ko "kaya mo yan JR! gusto mo na umuwi eh" Ilang taxi na ang lumagpas pero di pa ako pumapara, kumakabog pa din ang dibdib ko until a blue checked cab arrived sa tapat ko mismo. Mukhang ok naman si manong kaso parang may mali ang bilis ng metro niya at lahat ata ng lubak dinaanan namin. Then napansin ko inaantok si manong driver - (OMG! delikado buhay ko..nagdasal agad ako - Lord, iguide mo si manong driver sa tamang daan at ilayo mo kami sa kapahamakan/aksidente). Lalo ko napatunayan na antok na siya nung sinabi kong kanan - kumaliwa siya at nung sinabi kong diretso kumaliwa pa din siya. Nag self confess si manong - "maam pasensya na 24 hours na akong gising at inaantok na talaga ako pero tinaty ko pa din mag drive ng maayos para maka uwi ka na po. mukhang may sakit ka kasi at hinang hina". And it hit me "grabe 'to si manong sobrang concerned sa akin, ganun ba ako mukhang hinang hina!" So I did finally told him "Manong dapat mag nap ka kahit saglit baka maaksidente ka kung aantok antok ka sa daan. san ka ba gagarahe?" then he answered "sa valenzuela pa po, ang layo ko pa po pero sinakay kita Maam kahit sa Marikina pa. Di po kasi dapat namimili kaming mga taxi driver." At the back of my mind "oh wow! lakas mangkonsensya ni manong. But then again ramdam ko sa boses niya na sincere siya na maihatid ako" Finally bahay na namin at safe kaming pareho, ung fare umabot ng Php 180. Nag abot ako ng Php 200 "Manong wag mo na ako suklian, salamat sa pag hatid, umidlip ka kahit saglit lang" then bumaba na ako with a smile.
Reality bites : Minsan makakatagpo tayo ng tao na magpapakita na concern sayo kahit di ka niya kilala o kaano-ano or kaclose man lang. Pero dun sa minsan na un mararamdaman mo na si Lord napapadala ng alagad niya para paalalahanan ka at protektahan ka lalo na sa panahon na mahina ka.
